MATABIL
ni John Fontanilla
MAGANDANG buena-mano kay Jos Garcia, na nakabase sa Japan ngayong taon ang nominasyong nakuha sa 15th Star Awards for Music.
Nominado ang mahusay na singer sa Best Female Pop Artist of the Year para sa awiting Nami-Miss Ko Na na mula sa komposisyon ni Amandito Araneta Jr..
Makakalaban nito sa kategoryang ito sina Alexa Ilacad– When I See You Again | Star Music, Belle Mariano– Closer | Star Music, Gigi De Lana– Akin Ka Na Lang | Star Music
,Hannah Precillas- Sadly Feelings | GMA Music, Maris Racal– Pumila Ka | Balcony Entertainment, at Zephanie Dimaranan– Kung Ikaw Ang Kasama | GMA Music.
“I’m very honored and thankful sa nominasyong nakuha ko sa PMPC’s 15th Star Awards for Music… maraming salamat sa mga taong nasa likod ng Star Awards for Music.
“Nagpapasalamat din ako sa composer ng kanta kong ‘Nami-Miss Ko Na,’ na si Amandito Araneta Jr. at sa aking manager na si Atty. Patrick Famillaran.”
Bukod sa nasabing nominasyon ay masayang ibinalita ni Jos na muli niyang lilibutin ang Pilipinas para sa promotion ng kanyang ineendosong Cleaning Mama’s ng Natasha, sabay na rin ng promotion ng bagong awitin niya ngayong first quarter ng taon.