Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dustine Mayores

Ex-PBB Teen housemate Dustine naluha sa 21st birthday celebration

MATABIL
ni John Fontanilla

EMOSYONAL ang guwapong ex-PBB Teen housemate na si Dustine Mayores sa pagdalo ng kanyang mga mahal sa buhay, katrabaho, at kaibigan sa 21st birthday celebration niya na ginanap sa Silver Lotus Event na idinirehe ni Benedict David Borja.

Labis-labis ang pasasalamat ni Dustine sa mga taong dumalo at nakisaya sa kanyang birthday celebration  at sa mga taong tumutulong sa kanyang career sa showbiz.

Sa lahat ng narito at dumalo sa aking kaarawan…maraming-maraming salamat, mahal na mahal ko kayong lahat.”

Ipinakita sa kaarawan ni Dustine ang mga video ng naging journey at pagsisimula sa showbiz. Mula sa pag-stream sa KUMU, pagsalisa Star Hunt and later on ay naging bahagi ng PBB Teen Edition gayundin ang ilan sa kanyang naging shows at proyekto.

Wish nito sa kanyang kaarawan ang pagkakaroon ng maganda at malusog na  pangangatawan sampu ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay at ang magkaroon ng maraming proyekto ngayong 2024.

Inamin nito na single siya at wala pa sa isip ang pagpasok sa isang relasyon dahil mas priority niya ang kanyang showbiz career. Kaya naman nang tatanungin ito kung sino ang kanyang special someone ay mabiis na sinagot, ang kanyang pamilya.

Bukod sa kanyang pamilya ay nakita naming dumalo sina Melai Cantiveros, Mutya Orquia, Hashtag Kid Yambao, Hashtag Jimboy Martin, Bugoy Carino kasama ang kanyang asawa’t anak, DJ Jaiho, DJ Janna Chu Chu, D Grind Dancers with Jobele Dayrit (Founder and Choreographer of D Grind ), Jillian Vicencio, Dior Veneracion, Chloe Redondo, Ahleks Fusilero, Abdania “Iya“ Galo (CEO Beauty Wise Philippines) atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …