Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Pertierra Atom Araullo

Anjo Pertierra mas malakas ang dating kompara kay Atom Araullo

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN lang namin, mukhang dumarami ang fans at parang matinee idol na rin ang nagsisimulang weather reporter ng GMA 7, si Anjo Pertierra. Aba roon sa coverage niya ng translacion sa Quiapo, parang celebrity na ang dating niya sa mga tao. Hindi na parang reporter ang tingin sa kanya kundi parang isang artista eh, lalo na at matangkad naman siyang talaga at pogi naman. Kaya kinakantiyawan nga siya na dapat siya rin ang mag-cover ng pista ng Sto. Nino at ng Valentine’s day pati na rin ang Chinese New Year. 

Aba kung siya ang mabibigyan ng ganyang exposure mukha ngang may plano na silang gumawa ng isang bagong star sa GMA News and Public Affairs

Mukhang mas malakas ang dating ni Anjo kaysa dating nino bonito ng Madre Ignacia na tumalon din sa kamuning na si Atom Araullo. Tingin namin mas malakas ang dating ni Anjo dahil makikita mong nakikibagay siya sa masa, si Atom kasi minsan ay may pagka-suplado pa.

Welcome iyang si Anjo kung ganyan, aminin natin, malaki ang nawala sa GMA News nang yumao si Mike Enriquez na napakalakas ng following sa mga tao. Kailangan nila ng bagong star na sabihin mang hindi kasing galing ni Mike, pero may malakas na personalidad na hahabulin ng masa, at sa palagay namin si Anjo na nga iyon.

Kung natatandaan ninyo, noong nakaraang taon pa ay na-feature na rin si Anjo sa isang website na naglabas ng medyo sexy niyang pictorial, at sinabi na roon na another matinee idol in the making daw siya, at mukha ngang nangyayari na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …