Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Toni Gonzaga Toni Talks

Alden Richards ‘di pa priority ang lovelife at pag-aasawa

MATABIL
ni John Fontanilla

SA edad 32 ay napag-iisipan na ni Alden Richards ang pagse-settle down at pagkakaroon ng pamilya.

Pero minsan ay nakakaramdam ito ng insecurities kapag napag-uusapan ang lovelife. Pero naniniwala ito na may tamang panahon sa pagkakaroon ng ka-partner o pag-ibig.

Sa naging takbo ng interview  nito sa YouTube vlog na  Toni Talks, ni Toni Gonzaga ay sinabi nitong ‘di pa siya handang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

Ayon nga kay Alden, “pumasok na…’31 na ako wala pa akong asawa?’ Very Filipino way of, ‘Ilang taon ka na nga? Dapat mag-asawa ka na.’ ‘Yan ‘yung ipinagsasantabi ko all the time, na noong naabutan na ako, ‘Baka nga medyo nahuhuli na ako, baka masyado na akong nagpo-focus (sa career).”

At sa tanong ni Toni kung handa na ba itong magkaroon ng sariling pamilya? “No I’m not. When you say settle down, parang ang gaan na word eh, ‘settle down.” 

“But ano ‘yung kaakibat ng settling down? Big responsibility talaga ang pag-aasawa.

So right now, my company just started September of 2022, and I’m very much excited with the people who are very much interested to partner with us. Na sayang naman.

“Goal-oriented, we know our priorities so, hindi tayo kukuha ng isang bagay na hindi natin tatapusin.”

At kahit nga zero ang lovelife ay happy naman ito lalo na’t bongga ang kanyang career.

I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment, I seize every opportunity, sayang eh, there’s time for that (lovelife).” 

Sa daming proyektong gagawin ni Alden after ng success ng Family of Two nila ni Megastar Sharon Cuneta ay malabo talagang magkaroon ito ng lovelife ngayong 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …