Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Boyet-Vilma pinakamatagal na tambalan; Bakit hindi sila nagkatuluyan?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami ngunit totoo naman ang sinasabi nila na sa history ng Philippine Showbusiness ang pinakamatibay na love team ay ang Vi-Boyet team up. Nakagawa na sila ng 25 pelikula na sila ang magkatambal at lahat ng mga iyon ay naging hit sa takilya. 

Kung iisipin ngayon mas mahaba ang itinagal ng kanilang love team kaysa KathNiel na 11 years lamang o ang KimXi na 11 years din. Mas lalo naman silang matagal kaysa JaDine na apat na taon lamang at sa LizQuen na ilang taon nga lang bang tumagal? At iyong AlDub wala pang dalawang taon.

Mas maraming pelikulang nagawa si Christopher de Leon na katambal si Vilma Santos kaysa naging asawa niyang si Nora Aunor na nakasama niya sa ilang pelikula lamang. Mas marami rin silang nagawang pelikula ni Ate Vi kaysa isa pang paboritong leading lady niya noon na si Hilda Koronel.

Si Ate Vi na ang pakikipag-love team sa una niyang nakatambal na si Edgar Mortiz ay sinasabi noong “subok na matibay subok na matatag,” pero hindi rin tumagal. 

Nagkaroon siya ng iba’t ibang ka-love team. Ni hindi nga sila nakabuo ng love team ng naging una niyang asawang si Edu Manzano. Dahil noong panahong iyon sikat na ang VIlma-Boyet love team.

Kaya nga marami ang nagbibiruan bakit nga ba sila hindi nagkatuluyan? Ang sagot diyan ni Boyet noong panahon ng kanilang kabataan, ang daming nanliligaw kay Ate Vi at para ngang mahirap makasingit. Siya naman ay nasabit na rin noon. Noong pareho silang mahiwalay, nakakuha agad ng annulment si Boyet. Si Ate naman ay natagalan bago lumabas ang divorce kay Edu. Na lumabas lang naman noong pakakasalan na ni Edu si Maricel Soriano. Laging taliwas sa panahon ang nasabi lang ni Boyet.

Marahil kung umayon sa amin ang panahon hindi ko masabi,” sabi ng actor.

Pero sa ngayon happy naman sila na magkaibigan, magkaibigan din ang kanilang mga pamilya at patuloy na nagtatagumpay at sinusuportahan ng publiko ang kanilang love team. Hindi lang fans iyon eh talagang gusto ng publiko ang kanilang tambalan.

Ang maganda pa sa kanila, kahit wala silang ginawang proyekto ng mahabang panahon, ang huli nila ay noong 2003 pa, pero nang magtambal silang muli natatandaan pa ng mga tao ang kanilang tambalan at ang mga pelikulang kanilang ginawa.

In fact aminado si Ate Vi, pinili niya ang pelikula dahil si Boyet ang kanyang makakatambal sa kanyang come back matapos ang pitong taong walang ginawa isa mang pelikula.

Maraming offers kay Ate Vi. Marami pa ngang sinasabing itatambal siya sa mga mas batang actor pero malakas pa rin ang kanyang kutob na ang love team nila ni Boyet ang magiging malakas.

Paano nga ba naman makare-relate ang audience kung masyadong bata ang kanyang leading man. Ano iyon kagaya niyong isang female star na sa nakaraang dalawang pelikula kung sabihin ng mga tao ay mukha na siyang tiyahin ng kanyang leading men? Mahirap ding bumuo ng isang tambalan kaya kung may tried and tested team up ka na, iyon na muna dapat ang priority mo.

Iyon naman ang sinasabi ni Boyet, kung may offer sa kanya na ang makakasama niya ay si Ate Vi, iyon ang priority niya. Si Ate Vi rin naman ay ganoon basta inalok siya ng Vi-Boyet movie tiyak iyon ang bibigyan niya ng consideration. Kasi nga naman subok na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …