Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Nadine Lustre Vilma Santos Nora Aunor T Bird at Ako

Kathyn, Nadine aprub kay Vilma sa remake ng T’Bird at Ako

MATABIL
ni John Fontanilla

SINA Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang napipisil ng Star For All Seasons Vilma Santos para gumanap sa remake ng  iconic movie na T Bird at Ako na pinagbidahan nila noon ni Nora Aunor.

Natanong si Ate Vi ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe, kung sino ang naiisip niyang pwedeng bumida sa bagong version ng T-Bird At Ako na idinirehe ni Danny Zialcita na gumanap na dancer sa club si Vilma habang abogado naman si Nora. 

Nabanggit ni Ate Vi ang pangalan ni Kathryn, habang binanggit naman ni MJ ang pangalan ni Nadine lalo na’t maraming fans ang nagsa-suggest na pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto.

Oh, heaven ‘yan! Heaven ang team na ‘yan, parehong magaling! That’s a good pair,” sagot ni Ate Vi.

After nga ng successful na pagpapalabas ng kanyang pelikulang When I Met You In Tokyo na nanalo ito ng Best Actress sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal ay ibinalita nito na may natanggap siyang script para sa pelikulang pagsasamahan nilang muli  ni Ate Guy at kung matutuloy, ito ang magsisilbing reunion project nila makalipas ang mahigit tatlong dekada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …