Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Men

Male star na mayaman ang pamilya special guest sa isang orgynuman


ni Ed de Leon

ANG tindi ng isang tsismis na nakarating sa amin. Isang rich gay ang nagsabing nakapunta siya sa isang gay ‘orgynuman’ na ginanap sa bahay ng isa pang rich gay sa may subdivision malapit sa Ortigas at naging special guest daw sa party at premyo rin sa raffle ang isang male star na may ka-love team na sumisikat na rin naman ngayon.

“Nagulat lang ako dahil ang alam ko matino ang pamilya niyan at may kaya rin naman sila kahit paano, pero totoo siya iyon. Hindi naman pala siya ganoon kapogi in person siyempre ang lumalabas na mga picture niya filtered na rin. Mas pogi pa nga sa kanya ang isa pang male starlet na guest din sa nasabing party. At saka iyong starlet guest lang nagsayaw, hindi siya ipina-raffle dahil naroroon din ang rich gay na ‘nagpapala sa kanya.’ Gulo iyon kung isinali siya sa raffle,” sabi ng aming source. 

Pero ang male starlet daw na umamin namang may kalandian din siya sa katawan at nagsabing sumasama pa rin siya sa mga date “for the right price,” na ang balita ay nasa mga P50K na raw ngayon.

Malaking asenso na iyan dahil noong una P10K lang pumapamayag na siya at mahabang oras iyon, bukod pa nga sa kasama na lahat pati ang video at pictures niya ng nude. Pero umaasenso ang tao eh, may kumakagat naman sa kanyang presyo dahil sinasabi nga niya, “Basta ako ang kasama mo, sisiguruhin ko sa iyo na may makukuha ka sa akin lang, na hindi mo makukuha sa iba.”

Ibig bang sabihin niyon ay sumayaw na rin siya ng ballet sa platito at tumutulay na rin sa sinulid?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …