Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Gabby Concepcion Samantha

KC masayang-masaya kasama ang amang si Gabby

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin ang mga picture, ang saya-saya ni KC Concepcion kasama ang papa niyang si Gabby Concepcion at ang kapatid na si Samantha noong New Year. Maliwanag iyan na mas masaya nga si KC kasama si Gabby.  

Sa statement naman ni Sharon Cuneta, bagama’t gusto sana niyang makasama rin si KC sa panahon ng Pasko, kung ang choice niyon ay sumama kay Gabby at masaya siya roon ay ok lang.

Siguro nga dahil mas nakakasundo niya ang asawa ni Gabby at happy siyang kasama ang mga magaganda niyang kapatid. In fairness masaya sila sa mga picture na walang putol ang ulo.

Simula naman noong magbalik si Gabby mula sa US, talagang mas madalas silang magkasama ni KC kahit na anong okasyon iyon. Sinasabi rin naman ni Gabby na kahit na pantay-pantay ang tingin niya sa lahat ng kanyang mga anak, siyempre iba pa rin ang panganay, at saka bakit nga ba hindi eh sila ni KC ang magkamukhang-magkamukha talaga.

Nakatutuwa iyang ganyang nakikita mong masaya at nagkakasundo sila sa isang pamilya ng walang pagkukunwari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …