Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran mother

Ina ng young star na si Jhazzy Busran idedemanda naninira sa kanilang mag-ina

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinabulaanan ni Mommy May Cruz Busran, ina ng young actress na si Jhazzy Busran ang mga malisyosong balita na ipinakakalat ng taong itinuring niyang kaibigan at pamilya.

Hindi naiwasang maluha ni Mommy May sa sama ng loob nang humarap sa ilang entertainment press, dahil hindi raw nito inakalang sisiraan siya ng itinuring niyang kaibigan at  pamilya.

Kuwento ni Mommy May, nagsimula ang paninira sa kanya nang hindi napagbigyan ang kahilingan niyon kaugnay sa pera na hinihiram.

Ilan nga sa paninira sa kanya ay kesyo malakas ang loob na mag-produce ng pelikula pero wala talaga silang pera at marami pang iba. Okey lang kay Mommy May na siya na lang ang siraan pero idinamay pa ang kanyang anak na kesyo kahit anong gawin ay hinding-hindi sisikat.

Kaya naman kapag ‘di pa tumigil sa paninira ang nasabing tao ay idedemanda ito. Sa ngayon ay nag-uusap na sila ng kanyang lawyer kung anong kaso ang isasampa sa nasabing tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …