MATABIL
ni John Fontanilla
NAKAKA-TOUCH ang naging mensahe ngayong Kapaskuhan ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Post nito sa kanyang Instagram, “Merry Christmas mga anak…Love you…God bless you more.”
Ang mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto ay nakabakasyon sa US kasama ang kapatid na si Dani gayundin si Marjorie at aktor na si Gerald Anderson na boyfriend ni Julia.
Idinadaan na lang daw ni Dennis ang pagbati sa kanyang mga anak sa social media sa tuwing may okasyon, gaya ng Christmas at birthdays, dahil hindi naman siya sinasagot ng mga ito sa tuwing babati siya through direct message.