Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Male Celebrity

Male artist dumaranas ng depression, biktima ng mga buwaya sa showbiz

ni Ed de Leon

HINDI lang ang mga matatanda ang nakararanas ng depression. May isang male artist na umamin na dahil daw sa mga nangyayari sa kanyang buhay ay depressed na siya. BIktima ang male artist ng mga mapagsamantalang buwaya sa showbusiness. Nabobola siya ng mga baklang akala niya ay makatutulong para siya sumikat, pero ang totoo ay pinagsasamantalahan lang naman siya.

BIktima rin siya ng mga gumagawa ng mga serye sa internet na kinukuha siyang artista tapos ay hindi naman mababayaran dahil sasabihing hindi iyon kumita. Iyon ang dahilan kung bakit siya sumasabit sa mga bading na nakakakursunada sa kanya kaso oras na pagsawaan na siya iiwan na lang siya at sukat. Hindi siya makapalag dahil takot siyang ilabas ng mga iyon ang “resibo” ng kanilang relasyon na basta lumabas tapos na rin ang kanyang ambisyon.

Delikado iyan. Iyang depression ang sinasabing karaniwang dahilan ng suicide. Maraming kaso sa bansang Korea na mga sikat na artista, nagkakaroon ng depression at ang kasunod na mababalitaan na lang ay natagpuan silang bangkay na sa loob ng sarili nilang tahanan.

Kaya nga dapat na iwasan ang anumang maaaring pagmulan ng depression. Kasabihan na nga, “don’t worry, be happy.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …