Sunday , December 22 2024
Ronaldo Valdez

Lehitimong media ‘di mapapalitan ng socmed

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG reglamento sa mga kagawad ng ating pulisya ang magkaroon ng body cam iyon ay upang matiyak na wala silang ginagawang hindi tama sa mga pag-aresto at maging sa imbestigasyon sa crime scene. Kaya hindi naman nakapagtataka na may pulis na may body cam at nakakuha ng video nang imbestigahan nila at sinikap na i-rescue ang actor na si Ronaldo Valdez

Nakunan ng body cam ang ayos ni Ronaldo na halos naliligo na sa sariling dugo nang datnan ng mga pulis at barangay pero napansin nilang may hininga pa iyon kaya sinikap nilang dalhin sa St. Lukes hospital sa paniwalang baka maaari pang maisalba iyon.

Iba ang kanilang gagawin kung dinatnan nilang patay na iyon. Ang mga pulis ay hindi na gagalaw ng kahit na anong bagay sa bangkay o sa anumang bagay sa paligid niyon ng walang medico legal, na una magpapatunay na ang biktima ay wala ng buhay, at siya na ang mangangalap ng mga ebidensiya. Pero dahil buhay pa nga, isinugod pa nila iyon sa ospital na roon naideklarang dead on arrival.

Kahit ang mga police reporter sasabihin sa inyong nasa ayos ang kilos ng mga pulis na dumating at nag-imbestiga. Tama rin ang kanilang desisyon na mas mahalaga ang buhay kaysa ebidensiya.

Bagama’t hindi mo maiaalis ang suspetsa ng foul play, maliwanag sa ayos ng kuwarto batay na rin sa video na walang naganap na struggle. Ibig sabihin, walang bakas na may ibang taong sangkot sa krimen.

Gayunman minabuti ng pulisya na isailalim sa paraffin test ang lahat ng mga kasambahay na naroroon ng oras na nangyari iyon. Kinunan din ng paraffin test ang mga kamay ni Ronaldo para malaman kung siya nga ang nagpaputok ng baril na ikinamatay niya. Kung negatibo ang lahat ng mga kasambahay, at positibo ang kamay ni Ronaldo, wala nang dudang iyon ay isang kaso ng suicide.

Inaamin ng pamilya na si Ronaldo ay dumaranas ng depression nang may katagalan na rin. Una dahil sa kanyang sakit na cancer. Tapos tinamaan pa siya ng covid. Hindi rin naman ikinakaila na nagkahiwalay na sila ng kanyang asawa, at ang mga anak naman ay may kanya-kanya ng buhay.

Mukhang nag-iisa na lang siya at iyon ang lalong nagpatibay ng kanyang depression. Mukhang wala na siyang nakakasama kundi ang kanyang manager, kaya niya nasabing “in my lowliest moments I think of you and I’m fine Without you I don’t know what I will do.”

Nagkataon din namang ang manager na inaasahan niya ay nagpaalam para magpunta na sa America kaya nga nag-dinner pa sila. At makalipas ang dalawang araw, sinasabing nag-suicide na siya.

May sapat na dahilan para paniwalaang depression ang dahilan kung bakit naisip iyong gawin ni Ronaldo. Ang naging tanong nga lamang bakit naman naisipan ng kung sino na ang video ay ikalat pa sa social media?

Iyon ay labag sa batas. Hindi dapat na ikinalat iyon pero hindi kagaya ng lehitimong media, kagaya ng diyaryo at telebisyon na may sinusunod na tuntunin sa kung ano ang maaaring ilabas at hindi. Iyang mga vlogger ay walang sinusunod na tuntunin at hindi naman mga propesyonal sa pagbabalita. 

Para sa kanila ang mahalaga ay magulat nila ang audience, dumami ang nanonood sa kanila para pasukin sila ng commercials sa kanilang platform at kumita sila.

Hindi na nila iisipin kung iyon ba ay paglabag sa kagandahang asal o hindi, basta sa kanila kailangan silang mag-viral. Eh karamihan naman kasi sa mga iyan walang aral sa mabuting pamamahayag. 

Bukod doon, di tulad sa mga diyaryo na may dinadaanan pang editor na agad na pipigil doon kung hindi tama. Iyang social media, basta ipinost nila iyon na iyon. At ipinagmamalaki nila iyon na sila ang nauna sa balita dahil naipo-post nila agad gamit lamang ang kanilang cellphone at wala nga silang control kahit na may kahalayan o masama ang kanilang post basta ang mahalaga ay mag-viral.

Dahil doon nasibak ang dalawang kagawad ng QCPD na sinasabing reponsable sa nasabing video. Sila ay nasa custody ng PNP habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ganyan kasi ang social media, puro sila vloggers na hindi nalalaman kung ano ang tama at maling pamamahayag. Hindi naman kasi propesyonal na mamamahayag. Natuto lamang silang mag-post gamit ang cell phone. Kaya nga marami rin silang fake news kasi sige nang sige para mag-viral ng hindi muna kinukompirma kung totoo ba o hindi ang kanilang ibinabalita. Iyan ang kaibahan ng mga propesyonal na peryodista sa mga amateur na vloggers.Kaya sasabihin ninyo panahon na ito ng social media at wala na ang mga lehitimong media, mag-isip muna kayo kung gusto ninyong malason ang sarili ninyong isipan dahil sa mga kapalpakan ng social media.

Iyang social media, ay para lang pampalipas oras, sa pakikipag-kaibigan. Hindi niyan mapapalitan kailanman ang lehitimong media pagdating sa pagbabalita.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …