Friday , January 10 2025
John Gabriel WIMYIT

John Gabriel saludo kina Vilma at Christopher

MATABIL
ni John Fontanilla

SUPER proud ang baguhang actor at singer na si John Gabriel na nakasama niya sa pelikula sina Vilma Santos at Christopher De Leon sa pelikulang When I Met You In Tokyo na entry ng JG Productions sa 2023 Metro Manila Film Festival. 

Hindi inakala ni John Gabriel na makakatrabaho niya ang dalawa sa pinaka-mahusay na actor sa bansa, na dati lang ay napapanood niya sa telebisyon at pelikula noong bata pa siya.

Happy din ito na nakatrabaho niya sina Lot Lot De Leon, Gina Alajar, Kakai Bautista, Sandy Andolong at maging ang kapwa niya bagets na sina Cassy Legaspi at Darren Espanto na pinasok na rin ang pag-arte mula sa pagiging mahusay na singer.

Saludo nga ito sa mga nakatrabahong veteran actor dahil sobrang mababait sa katulad niyang baguhan sa industriya.

Ang When I Met You In Tokyo ay hatid ng JG Productions nina Rowena Jamaji, Karishma Gidwani, at Redgie Magno at idinirehe nina Rado Peru at Rommel Penza. Showing sa lahat ng sinehan nationwide sa Dec. 25. Christmas Day! 

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …