Friday , May 16 2025
Alden Richards Janna ChuChu

Alden Richards gagawa ng pelikula kasama sina Anne at Coco

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGMISTULANG Santa Claus si Alden Richards sa kanyang exclusive press party na ginanap sa kanyang bagong negosyo, ang Stardust sa Jupiter, Makati sa dami ng cash at regalong ipina-raffle. Walang umuwing luhaan dahil lahat ay nanalo at nabusog sa masarap na pagkain at inumin na hatid ng Stardust.

At kahit nga busy ang aktor sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan mula sa telebisyon, pelikula, at negosyo, nagbigay pa rin ito ng oras para pasayahin ang mga entertainment press na naging parte ng kanyang journey sa showbiz.

Bukod sa kanyang Stardust, pinasok na rin nito ang movie and  concert production through his Myriad Corporation with Five Breakups and a  Romance with Julia

Montes na isa ring blockbuster.

At sa pagpasok ng 2024, sunod-sunod ang proyektong gagawin ni Alden tulad ng  Pulang Lupa with Sanya Lopez, David Licauco, at Barbie FortezaOut  Of Order movie with Heaven Peralejo,  isa pang pelikula kasama si Anne Curtis, another movie again with Sharon Cuneta, at movie with Coco Martin na balak naman nilang isali sa Metro Manila Film Festival 2024.

At sa Dec. 25 ay mapapanood na ang napakagandang pelikula na pagsasamahan nila ni Sharon sa Metro Manila Film Festival 2023, ang Family of Two (A Mother and 

Son Story na mula sa CineKo  Productions.

About John Fontanilla

Check Also

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Still Lani Misalucha

Lani ibinahagi bakit siya tinawag na Asia’s Nightingale  

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Lani Misalucha, ikinuwento niya kung paano …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Win Abel

Dating aktor/model Win Abel nakalusot bilang konsehal sa Caloocan

NAIPANALO muli sa ikalawang pagkakataon ng dating actor/model na si Win Abel ang pagiging councilor …