ni Ed de Leon
NATAWA kami sa isang kakilala naming showbiz gay. Ipinakita niya sa amin ang isang acrylic case na roon nakapaloob ang underwear umano ng isang male starlet. At may kasama pa iyong picture ng male starlet na medyo indecent dahil may ginagawang kung ano para mas maging memorable ang kanyang underwear na ibinigay niya sa showbiz gay para maging souvenir niyon.
Mayroon pa siyang isang maikling video na nagpapakita kung ano ang ginawa ng male starlet at tapos ay iniabot na sa kanya iyon bilang souvenir. Ang tanong sa amin ng showbiz gay, may fan daw kaya ang male starlet na magka-interes na itago rin iyon bilang bahagi ng kanyang koleksiyon? Willing naman daw siyang pakawalan na ang souvenir. O baka naman mas mabuti, ibalik na lang niya iyon sa male starlet para ganap nang maitago ang isang madilim na bahagi ng buhay niyon na maaaring makasira sa kanyang career basta lumabas sa publiko.
Hindi siyempre matataggap ng fans na ang kanilang hinahangaan ay isa palang “car fun boy” na naging suki rin ng mga bading ng mahabang panahon. Naniniwala kami sa mga kuwento matapos na ipapanood sa amin ang lahat ng mga video niya na nakikipag-sex sa bading na sa maniwala kayo’t sa hindi mas masahol pa sa mga pelikula ng Vivamax.