Saturday , November 16 2024
Ice Seguerra

Ice Seguerra natupad pangarap na makapag-karoling

NAGKAROON kamakailan ng katuparan ang pangarap ni Ice Seguerra na makapag-karoling sa ilang piling residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Solmux Advance, ang upgraded na solusyon galing sa popular na brand ng gamot para sa ubo na gawa ng Unilab, Inc. 

Kaya naman naging maaga ang Pasko para sa ilang residente ng Brgy. Tatalon dahil sa pagbisita ng singer-songwriter.

Malaking bagay pala kay Ice ang pangangaroling dahil hindi tipikal ang growing up years niya dala ng kanyang kasikatan noon. Dahil maraming nakakakilala at natutuwa sa kanyang pagiging bibo, hindi siya basta-basta nakakalabas at nagkakaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa kapwa niya bata sa lugar nila.

Naalala ko, para makapaglaro ako kasama ng ibang bata sa lugar namin, pinasasara ‘yung buong kalsada tapos may mga tanod na nagbabantay sa magkabilang dulo,” ani Ice na ngayon ay 40 years old na.

At dahil sikat, maraming bagay ang hindi na-experience ni Ice at isa na rito ang pangagaroling tuwing Kapasukuhan. “Maaga kasi akong nag-artista so, never ko inabot ‘yung opportunity na makapag-karoling sa mga random house, as in walk house-to-house. Kaya gusto ko talagang gawin.”

Naging maaga ang Pasko para sa mga nakatatanda na sina Golden Alquiza, Fe Ocheada, Simplicia Cunanan, Erlinda Sese, at Isabel Angeles nang bisitahin sila ni Ice para maghandog ng mga awiting Pamasko. Lahat sila ay nasorpresa sa hindi inaasahang pagdating ng ngayon ay celebrated singer-songwriter.

Unang nagtungo si Ice sa tinutuluyan ni Lolo Golden, 63, at walang pamilyang kumakalinga. Matagal na ring iniwan ng kanyang asawa si Lolo Golden habang ang dalawa naman niyang anak ay hindi rin bumibisita sa kanya. Naaksidente noon si Lolo Golden kaya siya napilay ngunit sa kabila nito ay nagsisikap siyang maghanap-buhay bilang isang parking boy upang may pambili siya ng pagkain at gamot. Bakas ang tuwa sa mukha ni Lolo Golden nang makita at marinig ang boses ni Ice. “Masaya ako na nadalaw niya ako. Naalala ko ang mga anak ko sa kanya,” ani Lolo Golden.

Sunod na pinuntahan ni Ice ang tirahan ni Lola Fe, isang stroke patient na ang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga basahan. Kasama nitong namumuhay ang dalawang apo at isang pamangkin na isang breast cancer survivor. Katulong niya ang mga ito sa mga gawaing bahay. Ani Lola Fe, hindi niya naisip na posibleng madalaw siya ni Ice para kantahan. “Napapanood ko lang siya sa TV dati, ngayon may dala pang regalo na prutas at gamot,” wika ng 71-anyos na balo.

Nagpatuloy ang pangangaroling ni Ice sa bahay ni Lola Simplicia, 76 at balo. Sa kabila ng kanyang edad at kondisyon, siya pa rin ang nag-aalaga sa anak niyang may cerebral palsy na ngayon ay 39-anyos na. Gayunman, walang pagsidlan ng galak si Lola Simplicia nang matanaw nito kung sino ang nasa tapat ng bahay niya. Naiyak si Lola  Simplicia at halos di makapaniwala. “Hindi ko inaasahan na si Ice ang masisilayan ko paglabas. Sobrang saya ko,” anito.

Samantala, ang 60-anyos na si Erlinda ay sinalubong ng yakap si Ice habang ito ay naglalakad papalapit sa kanyang tahanan. Balot man ng lungkot dala ng trahedya ng pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang anak at asawa, malugod nitong tinanggap si Ice at matamang nakinig sa tinig ng mga awit na handog para sa kanya ng singer-songwriter.

Ang huling bahay na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Isabel, 90, na mayroon ding anak na disabled at bedridden. 

Maraming anak si Lola Isabel ngunit may mga pamilya na rin ang mga ito at hirap din sa buhay. Upang may pambili ng pagkain at gamot, nangangalakal si Lola Isabel kasama ang isang anak na tumutulong sa kanya.

Tunay na hindi malilimutan ng mga indibidwal at kanilang mga pamilya ang pagbisita at pangangaroling ni Ice ngunit naging mas makabuluhan ito para sa mang-aawit.

Happy ako na napuntahan ko sila kasi malambot talaga ang puso ko sa mga matatanda… I see my parents in them and I wish now that they are in their twilight years, sana they could rest and enjoy life, ‘yung tipong nagwawalis na lang sila sa harap ng bahay or nagha-hardin,” sabi ni Ice.

Ibinahagi rin ni Ice na nagkaroon ng mas malalim na kahulugan para sa kanya ang pangangaroling.

My job is to sing and when you’re younger, you do it for the money. Kahit magkano, kahit barya-baya. But now, singing for people and making them happy… singing for one person and this person probably needs it the most at that particular time, it gives me purpose.”

Dagdag pa ni Ice, “I’m not really big on giving gifts and I don’t know why. But what I can give is my time and the talent that was given to me. I can share it with people and these people, sila ‘yung mga hindi nakakapanood ng gigs. Sila ‘yung mga hindi na makalabas, so it’s nice that I can bring it to them, mas nagiging purposeful ‘yung trabaho ko.”

Bago ang naganap na pangangaroling ni Ice, nagpapagaling ito mula sa sipon at ubo na may kasamang asthma. Kaya naman masaya siya at itinuring n’yang blessing na ang kapartner sa ginawa niyang activity ay ang Solmux Advance dahil ito ang kilala at pinagkakatiwalaang gamot pagdating sa ubotinulungan nitong iwasan ang paglala ng kanyang ubo. Naka-recover siya kaagad. At sa kabila ng pagod ni Ice ng gabing iyon, nakangiti pa rin ito hanggang sa matapos niya ang pangangaroling sa bawat bahay. 

Aniya, “I am tired but I am happy because it’s all worth it.”

Sa huli, nais ni Ice na gawin ang pangangaroling taon-taon. “Alam ko ang power of music at kung ano ang nagagawa nito sa tao. Kung mapapangiti ko sila kahit sandali, at kung mangingiti sila dahil naalala nilang napasaya ko sila sandali kahit ano pa ‘yung pinagdadaanan nila for the day, that’s it for me.”

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …