Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi Darren Espanto

Darren at Cassy matagal nang wish magkatrabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG aaminin!

Ito ang nilinaw at iginiit kapwa nina Cassy Legaspi at Darren Espanto ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Sa grand mediacon ng When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon kinulit ang dalawa ukol sa kanilang relasyon.

At dito nga iginiit ni Darren na wala naman silang aaminin.

Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa ‘min, ‘yun na ‘yun,” sabi ng magaling na singer.

Hindi naman minamasama ng binata kung paulit-ulit o kinukulit sila sa kanilang relasyon ni Cassy. 

At para naman kay Cassy, sinabi nitong secure siya sa friendship nila ni Darren at anuman ang mangyari ay nasa likod nila ang isa’t isa.

Masayang-masaya kapwa ang dalawa na nagkasama sa isang pelikula na akala nila ay hindi mangyayari dahil magkaiba nga sila ng kanilang network.

We never thought it would be possible kasi hindi naman po kami from the same network. We didn’t know how it would happen and here it is, ‘When I Met You In Tokyo,’ nagkasama rin po kami ni Cass and we’re so honored to be part of this project,” ani Darren.

And kaya rin naman po ako mas napa-oo agad kasi they said that my partner would be Cass in the film, so it made things so much easier for me as well,” sabi pa ng binata.

Inamin naman ni Cassy na matagal na nilang gusto kapwa ni Darren na magkatrabaho kaya nang i-offer sa kanila ang When I Met You In Tokyo ganoon na lamang ang kanilang kasiyahan.

Mapapanood na sa Dec. 25 ang pelikula na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2023. Ito ay mula sa direksiyon nina Radu Peru at Rommel Penza handog ng JG Productions, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …