Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay Marquez may payo sa mga broken hearted

MATABIL
ni John Fontanilla

NAKARE-RELATE si Teejay Marquez sa tema ng kanilang pelikulang Broken Hearts Trip dahil minsan na rin siyang na-heartbroken at pumunta sa ibang lugar para makalimot

Ayon kay Teejay, “Nakare-relate ako sa movie namin dahil minsan na rin akong na-heart broken pero matagal na ‘yun.

“Nagpunta ako sa beach sa Bali (Indonesia), roon ako nakare-relax at nakakapag-isip ng mabuti at nagmumuni-muni what went wrong.

“And by that unti-unti ko nang natatanggap na hindi na puwede at kailangan na talagang mag-move on at isipin muna ang aking sarili. 

Malaking tulong din ‘yung naging busy ako sa trabaho para may pinagkakaabalahan at mag-focus sa trabaho,” ani Teejay nang makausap namin ito sa thanksgiving at Christmas party ng Broken Hearts Trip.

Nagbigay din ito  ng payo sa mga taong nakaranas ding ma-heartbroken.

“Feel the pain, don’t run from it, you have to feel it so you can move on and learn from it.  

“Remember it’s not how you fall, but how you get up better, stronger and wiser.” 

Makakasama ni Teejay sina Christian Bables, Iyah Mina, Petite, Andoy Ranay,, Marvin Yap and Miss Jaclyn Jose with Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Tart Carlos, Arnold Reyes, Kevin Posadas and Sinon Loresca.

Produced by BMC Films in partnership with Smart Films, showing on Dec. 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …