MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED na si Marian Rivera na gumawa ng maraming memories kasama ang kanyang pamilya (mister na si Dingdong Dantes at mga anak na sina Zia at Ziggy) gamit ang ini-endorse nilang E-Bike mula sa NWow Philippines, ang kompanyang nagbebenta ng mga electronic vehicle na in na in sa bawat Pinoy sa buong Pilipinas.
Kuwento ni Marian sa ginanap na presscon ng NWow Philippines sa Novotel, “Very excited kaming i-present sa amin ito parang sabi namin patingin, tapos noong nakita namin ito wow, kasya kaming apat.
“Actually nilu-look forward namin dahil sa sobrang busy ang schedule namin, palagi kahit may kaunting oras kami ibibigay namin ‘yun sa mga anak namin.
“Kasi gusto namin talaga lagi kaming nagbo-bonding. So, siguro magki-create pa kami ng maraming bonding.
“So siguro magki-create pa kami ng maraming memories na kasama ang mga anak namin at nakasakay dapat kami riyan! (NWow E-Bike ),” masayang sabi ni Marian.
Masaya rin sina Mr. Liu Lucius at Mr. Julius Santos ng NWOW na ang pamilya Dantes ang nakuha nilang kauna-unahang celebrity endorsers ng NWow Philippines.