Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ Eat Bulaga Capstone-Intel analysis

Eat Bulaga is TVJ, TVJ is Eat Bulaga

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO ba namang tanong iyan? Tinatanong pa ba kung identified sa TVJ ang title na Eat Bulaga?

Ano ba naman ang inaasahan ninyo eh mahigit na apat na dekadang sila ang napapanood sa nasabing show. Kung napalitan na nga ba ng mga bagong host ang image ng Eat Bulaga bakit hindi nila talunin ang E.A.T. na obviously ay siyang totoong Eat Bulaga na nagpalit lang ng title. Kaya nga kahit na sinabi na ng IPO PH na magpalit na sila ng title umapela sila eh kasi wala nang natitira sa TAPE kundi title na lang ng Eat Bulaga na lumalabas na hindi naman pala sa kanila kundi inangkin lang nila. Batay sa mga testimonya na naiharap sa IPO PHL.

Kung mawawala pa sa kanila ang title, wala na silang show. Apektado na nga ang GMA sa kanila. Hindi maikakailang bumaba na ang afternoon audience share ng GMA. Kasi wala na ngang malakas na pre-programming gaya noong araw. Dati dahil sa lakas ng Eat Bulaga ng TVJ, nabubuhat ang kanilang mga morning show at afternoon programs kasi iyong hapon nila ay napapagitnaan ng Eat Bulaga at ng 24 Oras. Ngayon pinakamaagang lipat ng mga tao sa kanila ay ‘yung show na ni Boy Abunda. Hanggang gabi na iyon. Kaya ang primetime nila matibay pa rin, mahina man ang programa natatangay ng isang malakas na pre-programming, kasi halos lahat sa 24 Oras nakatutok kung may mahiwalay man nasa Frontline iyon.

Iyon namang ABS-CBN makababawi basta lumabas na ang Batang Quiapo ni Coco Martin. Aminin na natin kay Coco iyon “nagpapanggap” lang na kay FPJ pa rin. Para tuloy nga ang build up na si Coco na ang tagapagmana ng hari ng pelikula? Mamanahin naman kaya? 

Sa ngayon kahit na isinisigaw ng TVJ na sila ang Eat, ang sinasabi ng mga tao Eat Bulaga pa rin. Doon sila kilala, nakilala rin iyon sa kanila, ano pa ba ang pag-uusapan.

Para mapalitan ninyo ang TVJ at lubusang maalis ninyo ang identity nila sa Eat Bulaga, kailangang tumagal kayo ng limang dekada, siguro by then nakalimutan na ng susunod na henerasyon na nagmula nga iyan sa TVJ. Pero kung hindi kayo umabot ng limang dekada, at abutin na kayo ng gunaw, aba eh hindi pa rin ninyo masasabing kayo na nga ang Eat Bulaga. Baka Eat Butata puwede pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …