PASKO na naman sa Snow World Manila na ngayon ay bukas na araw-araw mula 2:00 p.m. hanggang 10:00 p.m..
Sa buong Kapaskuhan, madarama ninyo ang malamig na simoy ng hangin at ang pagbagsak ng tunay na snow sa loob lamang ng Snow World. Makikita rin ninyo ang mga mapaglarong snowmen at reindeer ni Santa Clause na nakasingkaw na sa kanyang sleigh na maghahatid ng regalo sa lahat ng bata sa buong mundo.
Naroroon din si Santa Clause sa kanyang bahay sa North Pole na siyempre inilipat niya sa loob ng Snow World para hindi mahuli ang kanyang regalo sa mga batang Filipino.
Bukod diyan maaari ninyong matikman ang isang masaganang Noche Buena dahil sa Snow World mismo ay niluluto nila ang Singaporean chicken rice at sticky rice with mangoes na napakasarap. Kung kayo naman ay giginawin maaari kayong uminom ng mainit na kape at tsokolate sa coffee shop na nasa loob mismo ng Snow world.
Naroroon pa rin ang pinakamahabang man made ice slide. Dahil iyang mga ice slides ay nagdudulot talaga ng kakaibang saya at karaniwang nasa tabing bundok ng mga malalamig na bansa. Gumawa rin sila ng ice slide na maaari kayong magpadulas gamit ang tunay na yelo. At narito pa ang pinakabagong teknolohiya, gumamit din sila ng isang video floor na mararanasan ninyo ang paglakad sa tabing dagat o pamamasyal habang ang nilalakaran ninyo ay mga snow flakes na patuloy na bumabagsak mula sa langit.
Lahat iyan sa halagang P250 lamang sa Star City. Palalampasin ba ninyo ang ganyang karanasan sa darating na Pasko?