Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Kathryn at Daniel magsasama pa rin sa proyekto, propesyonalismo paiiralin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NILINAW ng ermat ni Kathryn Bernardo na hindi totoo ang mga tsismis na lilipat ng network ang anak.

As usual gawa na naman ng mga fake news peddlers sa social media ang balitang paglipat ng network ni Kathryn dahil break na sila ni Daniel Padilla

Eh ano naman ang kinalaman ng ABS-CBN, sa naging break-up nila? Masasabi bang may kinalaman ang ABS-CBN  kung si Daniel man ay nalasing at nakatulog sa condo ng may condo? At pagkatapos ay magdamag na nakipaglaro ng “Bato-bato-Pick?”

Hindi rin naman sinabi ni Kathryn na dahil break na sila ay hindi na sila magsasama pa sa trabaho. May ginawa na nga silang number na magkasama sa isang Christmas special eh.

Ang aming paniwala higit sa kahit na ano man mas paninindigan nina Kathryn at Daniel ang kanilang propesyonalismo kaysa mga bagay na personal. Maaari naman silang tumangging magtambal pa kung ayaw nila. Kung ayaw na ba nila talaga eh mapipilit ba sila ng ABS-CBN? Alam naman natin na sina Daniel at Kathryn ay makatatayo naman sa sarili nilang paa, pero hindi natin maikakaila na mas malakas sila kung magkasama. Sasayangin ba nila ang mga pagkakataon dahil lamang sa mga bagay na personal? Hindi sila dapat na gumaya roon sa mga maaarte na ang mga bagay na personal ay kinakaladkad hanggang sa kanilang career. Iyong mga ganoong artista wala nang pag-asa.

Tingnan ninyo si Vilma Santos naging sagabal ba sa kanyang career ang mga bagay na personal? At hindi mo masasabing laging nasa ayos ang lovelife ni Ate Vi noon.

At siguro kung mahina rin ang kukote at insecure rin si Cong. Ralph Recto, baka may sinasabi na iyan sa pagtatambal ngayon nina Ate Vi at Christopher de Leon sa When I Met You ng Tokyo. Pero matalino naman kasi si Cong Ralph at confident siyang ang ginagawa ng asawa niya ay trabaho lamang. Hindi siya nag-isip ng malisyoso. Iba naman iyong love team lang, iba iyong asawa.

Hindi pa naman nagiging asawa ni Ate Vi si Cong Ralph ay artista na siya at ka-love team na niya si Boyet. At saka hindi insecure si Cong Ralph, kasi pogi rin naman.  Siguro kung pangit iyan, baka maging insecure rin iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …