Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gigi De Lana

Gigi de Lana simple at may mabuting puso

REALITY BITES
ni Dominic Rea

HINDI naging madamot ang mundo kay Gigi De Lana. Naging maluwag at bukas ang pinto ng kasikatan para sa isang baguhang singer tulad niya na nakilala sa ginagawa nitong live gig/ performance sa Facebook noong panahon ng pandemic na sa garahe lang pala ng isang bahay nila inumpisahan ang lahat na ginawang studio.

Simula noong nag-viral siya at humahataw na sa mga out of town show ay halos wala na ring pahinga si Gigi. Dumating din siya sa puntong naaksidente pa. 

Sa kanyang naging live concert kamakailan sa Cabanatuan ay nabanggit nito ang kanyang number one supporter and fan. 

Ang kanyang inang may karamdaman.

Nami-miss ko ang Mommy ko. Nami-miss ko siya dahil in the past ay lagi ko siyang kasama, kasama ko siya at pinanonood niya ako. This time, wala siya, wala siya dahil hindi na po siya nakakalakad. Pero manonood ‘yun sa live! 

“Nakakapanibago lang dahil wala na sa harap kong nanonood sa akin everytime na may shows ako, ang number one supporter ko, ang Mommy ko,” malumanay pang paglalahad ni Gigi during the said show. 

Totoo pala talaga ang pagiging kind-hearted at simpleng tao ni Gigi na akin mismong na-experience that day.

Akala kasi ng marami ay suplada siya pero napaka-down to earth pala. More blessings Gigi De Lana!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …