MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang kauna-unahang Christmas Party ng RMJ Business Corporation sa pangunguna ng CEO and President nitong si Renzmark Jairuz Ricafrente aka Papa Dudut ng Barangay LSFM 97.1 kasama ang maganda niyang maybahay at RMJ Director/corporate secretary/head of finance na si Jem Angeles.
Nagkaroon ng group production numbers contest, Talentadong Pinoy, at King and Queen of the Night na sinalihan ng mga staff ng mga negosyo ni Papa Dudut mula sa J25 Salon, Rangsiman Thai Massage, The Brewed Buddies, Papa Dudut Computers, at Popper Pop.
Itinanghal na Grand Winner ang RMJ Head Office (Chef Onin Esmero, Melina Rey, Clara Rillera, Ejay Go, Ian Palma) sa Group Performance, habang 1st Place naman ang Papa Dudut Lechon Manok (Neil Rey, Jomarie Rudio, JR Villa, Sedrick Nuñaz, Bert Papa, Carl Pelong, Lif Gacos) at 2nd Place ang The Brewed Buddies x The Wings Haven (Irene Portera, Eyah Estanislao, Wendel Natad, Aileen Ulibas, Marlon Oandasan).
Wagi naman sa Talentadong Pinoy sina Bandam (Grand Winner), 1st Place si Abe Garcia at 2nd Place si Neil Rey. Habang itinanghal na King & Queen of the Night sina Ejay Go at Clara Rillera.
Binigyan naman ng Most Loyalty Award sina Ron Gutierrez at Abe Garcia na parehong matagal na sa kompanya ni Papa Dudut.
Naging espeyal na panauhin sina Chef Anthony Ang (RMJ Celebrity Chef & Consultant), Mr. Doring & Mrs. Elizabeth Marasigan-parents of Sir PD and
Mrs. Rosemarie Angeles, mother of Ms. Jem.
Ilan sa naging sponsors ng 1st Christmas ng RMJ ang Symply G, Sunny and Scramble Corporation, The Brewed Buddies Corporation at Uratex. Hosted by Janna Chu Chu and Papa Ding ng #Songbook.