Sunday , December 22 2024
vilma santos ralph recto wedding

Kasalang Vilma at Ralph pinakamalaking event na nai-cover namin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG Lunes, December 11 eksaktong nag-celebrate ng 31 years ng kanilang kasal sina Ate Vi (Ms Vilma Santos) at Cong. Ralph Recto. Napakabilis talaga ng panahon hindi namin naramdaman na ganoon na pala katagal iyon at sa amin, napaka-memorable ang kasal na iyon ni Ate Vi. Isang napakalaking event noon sa entertainment dahil ang kinikilalang box office queen at grand slam queen pa at magpapakasal na finally after eight years ng relasyon nila ni Cong Ralph at doon pa iyon gagawin sa makasaysayang Cathedral ng Lipa. 

Pinaghandaan namin iyon at si direk Joven Tan na editor pa namin sa magazine noon nagbalak na kailangang makagawa kami ng isang malaking coverage at kailangang masabayan namin ang mga diyaryo kinabukasan sa balita. Habang sa mga diyaryo ay may balita ng kasal, ang ilalabas namin ay isang magazine na parang wedding album na nina Ate Vi at Cong Ralph.

Ang sumunod ay katakot-takot na research na kailangang gawin. Hindi naman kami nahirapan dahil may panahong nakatulong kami sa paggawa ng isang libro na kasaysayan ng bayan ng Taal, at alam namin ang maraming kuwento tungkol doon. Iyong simbahan ng Lipa o tinatawag na Cathedral ni San Sebastian at pampitong simbahan na. Ang una nilang simbahan ay nasa Bonbon doon mismo sa malapit sa Taal pero nang sumabog ang bulkan noong 1611, gumuho ang lupa at ang buong simbahan ay napunta sa ilalim ng lawa ng Taal.  Simula noon sa tuwing puputok ang bulkan ay palayo nang palayo ang simbahan hanggang sa makaabot nga iyon sa kasalukuyang kinatatayuan. Marami pang mahahalagang kuwento tungkol sa Lipa pero balikan natin ang kasal ni Ate Vi. 

Natatandaan naming umalis kami sa Maynila ng madaling araw dala ang lahat ng gamit para sa isang coverage. May bitbit kaming mga extension cords at pati na isang fax machine. Wala pang computers noong mga panahong iyon at wala pa ring e-mail at internet.

Tapos nagtuloy kami sa bahay nina Ate Vi sa Lipa, at kagaya ng karaniwang coverage kinunan ng picture ang kanyang nakahandang traje de boda, iyon kanyang pag-aayos, ganoon din ang mga abay sa kasal at iba pang mga panauhin. Iyong kasal kasi ay hapon pa pero maniwala kayo umaga pa lang ang paligid ng katedral ay puno na ng tao at kagaya ng inaasahan may mga banner ang fans clubs ni Ate Vi. Ang fans ni Ate Vi akala mo may excursion talaga dahil may dala silang bus, ang dami nilang dalang pagkain at masaya sila. May musiko pang nag-iikot sa buong bayan akala mo ay talagang malaking pista iyon. Bakit nga ba hindi, si Vilma Santos ang pakakasalan ng kanilang congressman.

Maaga ring dumating sa simbahan si Ate Vi, mga isang oras yata bago ang schedule ng kasal na sinadya naman niya dahil kung hindi made-delay ang kasal sa dami ng tao. Ang dami ring pulis sa paligid pero makakaya ba naman nila iyong dagsa ng mga taong iyon. 

Natatandaan namin sabi niyong kausap naming pulis, “Kayang-kaya namin iyan kung Lipa lang eh, buong PIlipinas na yata iyang dumayong iyan dito.” 

Hindi mo talaga mabilang ang tao, may nagkuwento pa nga sa amin, nagdagdag daw ang bus companies ng biyahe nila noong araw na iyon papunta sa Lipa at pabalik sa Maynila dahil ang dami talagang pasahero, na hindi rin nila gaanong napaghandaan dahil sino ba ang mag-aakalang ganoon ang mangyayari sa kasal ni Ate Vi. Punompuno ang Katedral ng San Sebastian at iyon ay isang napakalaking simbahan ha. Sa labas akala mo nga pista, ang daming tao. May nagtitinda ng lobo, mga popcorn at kropeck na uso pa noon sa mga simbahan. May mga tindera pa mula sa Quiapo na naglatag ng mga picture nina Ate Vi at Cong. Ralph na ipinagbibili nila sa naghahanap ng sourvenir.

Nang matapos ang kasal agad-agad naman nagtakbuhan ang lahat sa susunod na destinasyon, sa Manila Hotel  para sa formal reception. Pero sa Lipa, may handaan din para sa mga dumalo sa kasal na ayaw nang bumiyahe sa Maynila.

Napakasaya ng araw na iyon. Masasabi naming napaka-challenging ng coverage na iyon. Isa iyon sa pinaka-mahirap na coverage na ginawa namin. Sabi nga namin, mas masahol pa iyon sa Miss Universenoong 1974 o roon sa Ali-Frazier Thrilla in Manila. Kasi nga ang layo naman ng Lipa sa Maynila pero nagawa rin namin noon iyon. Ngayon hindi na namin kayang ulitin iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …