REALITY BITES
ni Dominic Rea
MARAMI pa rin ang hindi maka-move-on sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Isang pag-iibigang after 11 years ay napunta sa pinag-usapang pagkabiyak ng puso nina Daniel at Kathryn lalo ng kanilang fans and followers dito sa Pilipinas at sa buong mundo.
Kung ano-anong memes ang naglabasan patungkol sa dalawa na sa totoo lang ay wala na talaga tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang chapter closed na nga ang KathNiel.
Sa puntong ito ay hindi na po mahalaga sa akin ang kung ano-ano pang tsika patungkol sa hiwalayang ito. Ang mahalaga sa akin ay ang patuloy na pagbibigay saya, tulong at haplos ng pagmamahal ni Daniel sa mga kabataang kanyang tinutulungan for almost a decade.
Ang walang kupas na pagbibigay aruga sa isang foundation para sa mga batang naging inspirasyon ng karamihan simulang kumikita si Daniel.
Alam kong hindi ito susukuan ni Daniel dahil minana ni DJ ang lambot ng puso sa kapwa ng kanyang inang si Karla Estrada.
‘Yan si DJ. Tuloy ang buhay. Tuloy ang karera. Walang panahon sa mga panghuhusgang ginagawa sa kanya ngayon. Matatapos din at lilipas din ang lahat at malalampasan din ni DJ ang lahat.