MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang baguhang singer na si Ram Castillo dahil pagkatapos mailunsad ang kanyang kauna-unahang single, entitled Naghihintay mula sa komposisyon ni Papa Obet (DJ ng Barangay LSFM 97.1) ay magkakaroon naman ito ng solo concert sa Dec. 28, sa Pier 1.
Kuwento ng masipag na manager ni Ram na si Mommy Merly Perigrino na maraming magagandang plano sa kanyang alaga sa pagpasok ng 2024 na suportado ng mga miyembro ng Team Abot Kamayaround the globe.
“Bale magkakaroon siya ng solo concert sa Dec. 28 sa Pier 1 at pagkatapos ng
concert magkakaroon din siya ng meet and greet at Christmas Party.
“And by next year naman plano namin na magkaroon siya ng another song sa February and baka pelikula na rin. Basta marami akong magagandang plano sa kanya para mas lalo pa siyang makilala.
“At lahat ng magiging project niya ay suportado ng Team Abot Kamay sa buong mundo,” sabi pa ni Mommy Merly.