MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG kabuuan ng pangarap ni Ron Angeles ang makasama sa pelikula ang si Piolo Pascual.
Ayon nga kay Ron, “Dati dream ko lang na makatrabaho ang isang Piolo Pascual, pero ngayon katrabaho ko na sa pelikula, at hindi lang basta pelikula dahil entry pa sa 2023 Metro Manila Film Festival.
“Bilang baguhan sa industriya, sobrang nakaka-proud na makasama at makatrabaho mo ang mahusay na aktor na si Piolo.
“Kaya naman sobrang thankful ako sa Mentorque, sa Cleverminds Productions, at kay sir Bryan Dy dahil isinama nila ako sa movie.”
Misteryoso ang role ni Ron sa Mallari na kailangang panoorin ng mga manonood para malaman.
Excited na nga na sumakay ng karosa sa Parade of Stars si Ron dahil first time niyang mae-experience ito.
Hopefully ay masundan pa ng magaganda at malalaking pelikula ang ibibigay sa kanya sa 2024.