MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ni Diane de Mesa last December 4 na ginanap sa SM North EDSA, Skydome.
Naging espesyal na panauhin nito ang actor/singer na si Lance Raymundo II, Aliw’s Multi-awarded violinist Mr. Merjohn Lagaya, Lila Blanca Dls Mike, DDM Manila Band, at ang nagwagi sa My Everything singing contest Mary Ozaraga, Aiam Gota Chai & Jan Gil with Mr. Nants del Rosario (former vocalist of Innervoices), Franz Rojas, Rai Hernandez , Skant Vee atbp..
Ang Diane de Mesa in Concert Live in Manila ay mula sa musical direction ni Elmer Blancaflor at stage direction ni Miko V. Villanueva.
Part ng proceeds ng concert ay mapupunta sa projects ng Rotary Club Quezon City MediaTech na tumutulong sa autism at sa pagpapgamot ng hemodialysis patients at iba pang RC 7 Areas of Focus.
Kasabay ng concert ni Diane ang TVC8 Annual Awards 2023. Produced by: MVV Entertainment & Productions, Inc.
and DDM Studio Live, USA.