Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla dog Summer

Daniel sa usaping loyalty: aso, maganda man o pangit ang nangyari ‘di ka iiwan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang lumang video na lumabas ang KathNiel na ang subject ay “loyalty.” Mabilis na sumagot si Kathryn Bernardo kung ano para sa kanya ang loyalty. Maganda ang naging sagot ng aktres habang inisa-isa niya ang sa tingin niya ay qualities ng isang loyal person.

Pero makahulugan ang naging sagot ni Daniel Padilla na sa tingin niya ang pinaka- loyal sa kanya ay ang kanyang aso. Kasi mahal siya ng aso niya at kung may pagkukulang man siya ay nauunawaan siya niyon. Maganda man o hindi ang nangyayari sa kanya, lagi iyong nasa tabi niya at hindi siya iniiwan.

Kung ano man daw ang gusto niya ay sinusunod niyon at iyon para sa kanya ang loyalty.

Wala naman silang sinasabing iba. Pero halata sa kanilang mga sagot na nang ginanap ang interview na iyon ay mukha ngang may samaan sila ng loob. Kung hindi bakit gagawing halimbawa ni Daniel ang kanyang aso na parang ibig sabihin ay hindi kayang pantayan ni Kathryn ang loyalty ng kanyang alaga.

Makikita mo naman sa pagsasalita ni Daniel na sinasabi niyang hindi siya perfect. Na kahit na sa alaga niyang aso siya ay nagkakamali rin kung minsan pero ang gusto niya ay pang-unawa kagaya ng ginagawa ng kanyang aso nagkakamali man siya.

May isang bagay lang na pumaltos si Daniel hindi ba niya alam na iba ang kaisipan ng isang tao sa isang aso? Iyong aso kasi walang iniisip iyan kundi dapat na masiyahan sa kanya ang amo. Kasi habang nasisiyahan sa kanya ang amo niya, maganda ang magiging buhay niya. Ang tao ay iba dahil nag-iisip din iyan ng kanyang sitwasyon, maaaring loyal siya pero may hangganan iyon. MInsan naman kasi ang loyalty ng tao ay natatawag na ngang katangahan at sino mang hindi papayag na magmukha siyang tanga.

Iyong aso iba ang emosyon niyon eh hindi kagaya ng tao. Talaga ngang ang mga aso ay selfless, mahalaga lang sa kanila ang amo nila na nag-aalaga sa kanila. Hindi talaga ganoon ang tao.

May mga bagay na kailangang pag-aralan at mga katotohanang dapat tanggapin sa isang relasyon. Doon marahil sila nagkulang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …