Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo 1521

Bea nabiktima ng cheater: kung may lolokohin ka magiging mabigat buhay mo

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAKABULUHAN naman ang naging statement ni Bea Alonzo sa “Cheaters.” Wala namang kinalaman sa KathNiel ang kanyang statement. Isa iyong general statement at kung nasabi man niya iyon dahil na rin sa katotohanang dalawang ulit na siyang nabiktima ng isang cheater.

Sabi ni Bea, “hindi maganda ang maging cheater at kung may lolokohin kang kapwa mo magiging mabigat ang iyong buhay kasi manloloko ka.” 

Tama ang sinabi ni Bea masama talaga ang maging mandaraya sa negosyo man o sa isang relasyon. Talagang ang mga mandaraya ay hinahabol ng kanyang karma at karaniwan ang karma ay sampung ulit ng ginawa mong pandaraya. Si Bea siguro nga hindi lang nadaya sa kanyang trabaho nadaya na rin naman siya ng pag-ibig.

Pero iyang biktima ng mga cheater, mas nagiging matibay ang damdamin ng mga iyan at sila iyong hindi manloloko ng iba dahil alam nila ang damdamin ng biktima ng isang cheater at ayaw nilang madama pa iyon ng iba.

Si Bea ano man ang sabihin ninyo may good karma naman. Nabiktima siya ng isang cheater sa pag-ibig nagkaroon naman siya ng isang mas responsableng boyfriend na hindi siya niloloko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …