I-FLEX
ni Jun Nardo
PUWEDE nang tawaging Unbothered Queen ngayon si Andrea Brilliantes dahil kahit batuhin siya ng isyu at kontrobersiya, nananatiling tikom ang bibig.
Dati kay Toni Gonzaga ibinato ang Unbothered Queen noong openly niyang sinuportahan si President Bongbong Marcos last elections.
This time, puwede nang ipasa ito ni Toni kay Andrea na kahit isinasali sa break-up ng KathNiel maging kina Miles Ocampo at Elijah Canlas, patuloy siyang nagpo-post ng picture na may ahas na siyang kasama eh may sungay pa sa bandang ulo, huh!
Basta si Andrea, maganda na, seksi pa kaya keber ba niya sa mga tumutuligsa sa kanya, huh!