Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janella SalvadorvPiolo Pascual Mallari

Janella ayaw na sanang gumawa ng horror

MATABIL
ni John Fontanilla

MUNTIK na palang tanggihan ni Janella Salvador ang pinaka-malaking pelikula na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, ang Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual dahil gusto muna nitong magpahinga sa paggawa ng horror movie. Tila kasi nata-type cast ang aktres sa ganitong klase ng pelikula.

Pero nang mabasa ni Janella ang script, masyado siyang nagandahan at ang award winning actor na si Piolo Pascual pa ang makakatambal at makakasama niya sa movie kaya naman tinanggap niya ito.

Ayon kay Janella sa naganap na mediacon at fancom ng Mallari sa Mall of Asia kamakailan, “To be honest with you, before I accepted this film, sabi ko sa sarili ko parang gusto ko munang magpahinga sa horror kasi parang nata-typecast na rin ako sa mga horror.

“But as soon as I read the script, sabi ko, this is something na hindi ko puwedeng palampasin. It’s so well written. It’s very detailed and beautifully written.” 

Bukod kay Piolo, makakasama ni Janella sa  Mallari sina  Gloria Diaz, Ron Angeles, JC Santos atbp.. Hatid ng Metorque in cooperation with Clever Minds Inc. and distributed by Warner Bros. Pictures at sa mahusay na direksiyon ni Derick Cabrido.

Ang Mallari ay isa sa sampung entry sa MMFF 2023 na mapapanood simula December 25 sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …