ni Ed de Leon
NAGKUKUWENTO ang isang poging bagets, naniniwala raw siya na ang isang female starlet nga ay mas masahol pa sa Mang Tomas, sawsawan ng bayan. Kasi sa isang watering hole raw isang gabi nakilala niya ang magandang starlet. Nakipagkilala at siya pa ang inalok ng alak ‘di ok naman sa kanya.
Noon daw uwian na niyaya siya ng starlet sa kanyang condo. Sinabi raw ng starlet na pogi siya at type siya niyon baka gusto muna niyong sumama sa kanyang condo.
Aba eh bakit naman hindi eh bata pa at babaeng totoo at maganda. Pumayag namang sumama si Bagets. Kaya lang masyado palang mahilig ang babaeng starlet. Naka-ilang retake na raw sila na ang sinasabi pa ay one more shot. Inaamin ng bagets na sumuko siya sa female starlet at talaga raw sinimot ang kanyang buong lakas. Ang nasabi na lang niya ay “May babae palang ganoon katindi.”
Nagulat pa raw siya dahil noong pauwi na siya ay inabutan pa siya ng datung ng starlet. Sinabi raw niya, “Hindi ako bayaran hindi naman ako call boy.” Pero iginiit daw niyon na tanggapin na niya ang perang ibinigay sa kanya basta, “Paliligayahin mo akong lagi kung kailangan kita.”
Iyon na!