Friday , April 18 2025

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

120423 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang ginaganap ang seremonya ng Banal na Misa para sa unang linggo ng adbento kahapon, na umutas sa apat na buhay at ikinasugat ng 50 iba pa.

Ayon sa ulat ng Reuters, ang pag-atake ay ginawa sa gymnasium ng Marawi State University (MSU), matatagpuan sa lungsod na kinubkob ng Islamist militants sa loob ng limang buwan noong 2017.

Ipinahayag ng maimpluwensiyang Islamic State group ang kanilang pag-amin sa pamamagitan ng telegrama na miyembro nila ang nagpasabog.

               Bago ang pag-amin ng Islamic State, kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang aniya’y “the senseless and most heinous acts perpetrated by foreign terrorists”.

Kasalukuyang nagpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pulisya at ang militar sa katimugang bahagi at sa kabiserang rehiyon ng bansa – National Capital Region (NCR).

Sa Roma, nag-alay ng panalangin si Pope Francis para sa mga biktima mng pagsabog, sa pagdiriwang ng Banal na Misa at sa hiwalay na mensahe, isinulat niyang, “Christ the prince of peace (to) grant to all the strength to turn from violence and overcome every evil with good”.

               “Hindi matitinag at hindi titigil ang law enforcement operations para humarap sa hustisya ang mga suspek at ang utak ng nasabing terrorist activity,” ani Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang press conference.

There were “strong indications of a foreign element” in the bombing, ani Teodoro, pero tumangging magdetalye upang hindi masira ang ginaganap na imbestigasyon.

               Nakuha ang mga bubog at tibo ng 16-mm mortar sa lugar, ayon kay P/MGen. Emmanuel Peralta sa isang press conference.

Pagbomba sa MSU mariing kinondena ng mga kongresista

MARIING kinondena ng mga kongresista ang nangyaring pagbabasabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) habang ioinagdiriwang ang Banal Misa,  na ikinamatay ng apat katao at ikinasugat ng 50.

               Ayon kay House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang insidente ay gawa ng mga terorista.

“We condemn in the strongest possible terms the bombing of students holding mass at the Dimaporo Gymnasium in the Mindanao State University in Marawi today that according to initial reports left three people dead and several others wounded,” ani Hataman.

“This is plain and simple terrorism. Wala na tayong ibang salita para ilarawan ang karahasan na ginawa sa mga estudyanteng payapang nagdaraos ng misa kanina, isang malayang pagpapahayag ng kanilang relihiyon,” dagdag niya.

Ayon sa mambabatas, walang lugar ang karahasan sa isang sibilisadong lipunan. At ang mga responsable sa pambobombang ito ay dapat managot sa ilalim ng batas.

               “Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga namatay sa insidenteng ito. Hindi dapat nagiging target ng karahasan ang ating mga anak. Hindi battle zone ang ating mga paaralan. Dapat ay panatag ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa loob ng eskuwelahan.”

“I call on the authorities to investigate this fully, leaving no stone unturned. The perpetrators should be unmasked. Babantayan natin ang developments ng kasong ito para masigurong magkaroon ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya,” pahayag ni Marcos. (GERRY BALDO)

Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro City karahasan tinuligsa

ANG PAGBOMBA sa Dimaporo gymnasium ng MSU habang nagdirirwang ng Banal na Misa ay isang karumadumal na gawain.

“We vehemently condemn this heinous assault on the sacred space of worship and unity. Our thoughts are with the victims and their families during this painful time,” ani Rodriguez.

               Ayon kay Cong. Ziaur-Rahman Alonto Adiong ng Lanao del Sur, apat na ang namatay at sampu ang sugatan sa insidente.

Ani Adiong, nagpalabas ang kanilang opisina ng mga taong tutulong sa mga biktima at mga pamilya nito sa Amai Pakpak Medical Center.

Ani Adiong, walang lugar ang mga terorista sa bansa.

Nanawagan ang mga kongresista sa mga awtoridad na imbestigahan at hanapin ang mga responsible sa nasabing insidente. (GB)

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …