Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda Darryl Yap

Kelvin Miranda pumiyok sa blind item ni Darryl

HATAWAN
ni Ed de Leon

ARAY, pumiyok ang male starlet na si Kelvin Miranda sa blind item ng director na si Darryl Yap na isang male star ang binayaran ng isang international singer ng P1-M para sa isang magdamag.

Kaya naman mapapa-aray bakit nga ba si Kelvin ang pumiyok? Mayroon bang pagkakataon na may nakausap man lang siya na isang international singer? Nanood ba siya ng concert noon at kinausap siya pagkatapos? Kasi kung hindi naman siya nakakausap ng isang international singer bakit ba siya pipiyok ano man ang sabihin ng ibang tao? Napakadali niyang sabihin na hindi nga niya kilala iyong taong iyon.

Kung totoo namang binayaran siya ng isang milyon isang gabi eh dapat matuwa siya, isipin mo naging milyonaryo siya sa ganoon kabilis lamang? May mga taong nakuba na sa pagtatrabaho ni hindi pa nakahawak kahit kalahating milyon lamang. Suwerte siya kung dalawang milyon sa loob ng dalawang gabi.

Aba eh magtanong ka sa mga artistang kilalang “car fun boys” kung may nagbayad sa kanila kahit na kalahating milyon lang. Palagay namin mas marami pa siyang kailangang ipaliwanag sa ngayon dahil sa pagpiyok niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …