MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI napigilang maiyak ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang mapag-usapan ang tungkol sa naging relasyon nito sa isang politiko.
Ayaw na lang nitong banggitin ang pangalan ng nasabing sikat na politiko dahil tahimik na pareho ang kanilang buhay at matagal na rin naman silang walang relasyon.
Pero aminado ito na kahit tatlong taon lang tumagal ang kanilang relasyon ay minahal niya ito ng buong puso.
Isa si Barbara sa anim na pumirma ng kontrata sa Borrat Talent Management na isasama sa mga pelikulang gagawin ng Borracho Films.
At ang rason ni Barbara sa kanyang pagbabalik showbiz ay sobrang na-miss niya ang buhay-showbiz, ‘yung bonding niya with the press lalo ‘pag iniinterbyu, ‘pag mine-make-up-an, etc..