Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo Andrea Brillantes Daniel Padilla 

Robi Domingo iginiit ‘di niya in-unfollow sina Daniel at Andrea: hindi ko naman kasi talaga sila pina-follow 

NILINAW ni Robi Domingo na hindi totoo ang mga naglalabasang tsika na in-unfollow niya sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa social media.

Ang paglilinaw ay isinagawa ni Robi sa vlog ni Ogie Diaz.

Iginiit din ni Robi na imposibleng i-unfollow niya sina Daniel at Andrea dahil hindi naman niya talaga pina-follow ang dalawa sa mga Instagram ng mga ito.

Noong una pa lang hindi ko alam kung ano ‘yung handle niya, kasi hanapin mo Andrea Brillantes hindi lumalabas — Blythe (pala). Katulad din ng kay Daniel, parang Daniel Padilla ang lumalabas ay Supremo. It doesn’t mean na kung hindi ko sila fina-follow ay hindi ko sila kaibigan,” giit pa ng magaling na host.

Parang for me ‘yung relationship ko with them transcends ‘yung pagpa-follow-follow. We are good.


Actually noong isang araw nakausap ko pa si Daniel at nagtawanan kami. ‘Yun ‘yong mayroon siyang movie conference o story conference kasama si Zanjoe tapos nagbiruan lang kami. Sabi niya sa akin, ‘In-unfollow mo ba ako? Galit ka ba sa akin?’ Nagtawanan lang kami dahil for us hindi ‘yon isyu talaga,”sabi pa.

Fina-follow ko naman si Kathryn. So para sa akin parang naka-package deal na sila na kapag may life update, okay ‘yan,” dagdag pa ni Robi.

Sinabi pa ni Robi na, “Bakit ako mag-a-unfollow lalo na wala akong isyu sa kanila at saka lalong-lalo na lagi kaming magkikita at magkikita. So kung anuman ang mayroong nangyayari it’s with them, not with me. It doesn’t concern me kasi okay kami. Okay na okay kaming lahat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …