ni Ed de Leon
TAWA nang tawa ang isang showbiz gay dahil nang ipakita raw niya ang nude picture ng isang poging male starlet ay nanginig agad ang baba ng isa pang bading, at halos tumulo ang laway sa inggit na nahagip niyang starlet.
Inamin naman ng showbiz gay na talagang pogi nga ang starlet, at willing namang pahagip for a price, basta kaya mo ang presyo niya, pero ang hindi sinabi ng showbiz gay, kahit na nakuha na niya iyon at alam niya kung paano iyon makukuha everytime na gusto niya ay hindi na nga siya umulit dahil napuna niya na ang male starlet ay mukhang mas gay pa sa kanya kung magkatabi na sila sa kama.
Ginagawa raw kasi niyon sa kanya ang mga bagay na siya ang dapat na gumagawa. Tapos nabalitaan din niya na nag-pay iyon sa isang poging male star na nakasama niya sa isang maliit na project para maka-date lamang. Ibig sabihin nanlalalaki na rin iyon.
Umiwas na siya dahil baka hindi lang siya mailagay sa naughty list ni Santa Clause ngayong Pasko at sa halip ipasipa pa siya kay Rudolph.