Friday , November 15 2024
Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na huwag nitong pahintulutan ang planong destabilisasyon ng ilang kampo na sinabing malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kasapakat nito.

Ipinarating sa media ang pahayag ng Partisano, isang armadong operatiba ng Partido Marxista Lenista ng Pilipinas (PMLP), may title headings na labanan at biguin ang planong destabilisasyon ni Digong.

Sinabi ni Leni Katindig, Partisano national operational command, umagos na ang pondo mula sa China, mga negosyante na nais makabalik sa pagkontrol ng mga negosyo, at ang kartel ng ilegal na droga para maglunsad ng kaguluhan sa ating bansa.

Ang nangunguna sa pagpapatupad ng kanilang plano ay ang mga tauhan ng dating pangulong Duterte at mga corrupt na politiko na umiikot upang  kombinsihin na sumali ang mga tauhan ng AFP at PNP.

Nais nilang bilhin ang katapatan sa bansa upang sumali sa kanilang plano na halata namang ang kampo ni Duterte ang makikinabang, ani Katindig.

Kasabay nito, ibinahagi din sa media ng Samahan Kaagapay ng Agilang Pilipino (AGILA Party), isang  regional political party na nakabase sa National Capital Region (NCR), ang pahayag nila sa mariing pagkondena sa planong destabilisasyon sa administrasyong Ferdinand Marcos, Jr.

Hiniling ng AGILA Party kay Pangulong Marcos na palawigin ang serbisyo sa pulisya ni P/MGen. Benjamin Acorda, Jr., bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa imbes destabilisasyon. Mababatid na sa buwan ng Disyembre ay nakatakdang magretiro sa serbisyo si PGen. Acorda.

Ayon kay Jholo Granados, chairperson ng  AGILA political party, ang anomang destabilisayon laban sa gobyerno ay hindi makatutulong sa kaayusan ng ating bayan na halos kababangon lamang sa dagok ng pandemya. Ipinayo niyang tulungan ang mga nasalanta ng pagbaha at ng lindol nitong nakalipas na araw ang kinakailangan nating gawin at hindi destabilisasyon.

Sa tingin ng Partisano, ang planong destabilisasyon ay simula ng kanilang (kampo ni Duterte) hangarin na makabalik sa kapangyarihan. Nais din ni Digong na i-hostage ang bansa hinggil sa usapin ng kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC). Ito ay malinaw na maniobrang politikal na matagal na niyang taktika — ang gumamit ng dahas para manaig sa tunggalian, inilahad pa sa pahayag.

Inilinaw ng  Partisano, hindi makikinabang ang uring manggagawa at ang buong mamamayang Filipino sa anomang destabilisasyon ng mga elitista at trapo. Agawan lang ito sa kapangyarihan at hindi kasali o aangat ang kalagayan ng mayoryang mamamayan na naghihirap sa paraang ng destabilisasyon ng mga trapo.

Masisipi na naunang napaulat na umugong ang usaping destabilisasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang isiwalat ng chief of staff sa isang seremonya ngunit kalauna’y itinanggi ng heneral.

Ipinapalagay ng tagasuri na ang umaalingawngaw na pakanang destabilisasyon ay sumasalungat sa ‘pagkakaisa’ na sinisikap ni Pangulong Marcos para sa kapayapaan at katatagan ng bansa. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …