HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGKAKATAWANAN nga noong isang araw, isipin mo si Gretchen Barretto na ang tingin mo ay parang dalaga pa, iyon pala ay magiging lola na. Buntis na raw kasi si Dominique Cojuangco na anak ni Gretchen sa long time partner na si Tony Boy Cojuangco.
Ipagmalaki rin kaya ni Gretchen na lola na siya kagaya ni Ate Vi (Ms Vilma Santow)? SiAte Vi kasi talagang ipinagyayabang niyang lola na siya, dahil nasa edad na naman siya, 70, at magandang bata ang kanyang apo.
Kung iisipin mo, suwerte rin ang magiging apo ni Gretchen kung makakatuwaan niya, baka nga magmana sa mga Barretto, ‘di maganda rin. At sa yaman ba naman ni Gretchen tiyak na sunod din ang lahat ng luho ng kanyang apo. Iyang mga ganyang bata ang sinasabi ngang hindi pa man ipinanganganak ay nakatakda na ang masarap na pamumuhay.
Malalaman natin iyan basta lumabas na ang isang batang tumatawag sa kanyang lola.