MATABIL
ni John Fontanilla
SOBRANG saya ng may kaarawan, ang CEO & President ng Beautederm, si Ms Rhea Anicoche-Tan sa mismong birthday celebration nito dahil nagbati ang matagal ng nagkaalitang sina Bea Alonzo na isa sa ambassador ng Beautederm at ang columnist at talkshow host na si Manay Lolit Solis.
Naganap ang pagbabati nina Manay Lolit at Bea habang kinukunan ng litrato ang aktres at si Ms Rei kasama ang iba pang ambassador ng Beautederm. Biglang lumapit si Manay Lolit at pinanood ang nagaganap na pictorial. Nilapitan ni Bea si Manay Lolit, niyakap at nag-sorry, sabay sabing, “Hindi naman ako galit kay Bea, kundi sa manager niya.”
At sa pagbabati ng dalawa hindi naitago ng hardworking, mabait, at matulungin na si Ms Rei ang sobrang masaya dahil parehong mahal nito sina Bea at Manay Lolit.
Nagmistulang Sta Claus naman si Ms Rei sa kanyang kaarawan sa mga premyo sa naging palaro na mula P2k, P100k, tatlong 55 inches Samsung TV na ipinamahagi sa mga dumalong entertainment press.
Samantala, present naman ang halos lahat ng ambassadors ng Beautederm tulad nina Enchong Dee, Maja Salvador, Kitkat, Subshine Garcia, Vice Gov. Alex Caatro, Sanya Lopez, Ynez Veneracion, Luke Mejares, at Ysabel Ortega, samantalang sina DJ Cha Cha at DJ Jhaiho ang nagsilbing host.