Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Vilmanians pinaglaanan ng maraming oras ni Ate Vi 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TUWANG-TUWA ang fans ni Vilma Santos-Recto sa mahabang oras na inilaan ng kanilang idolo sa nangyaring fans’ day matapos ang ilang taon.

Sa tanda ng fans, huling nagkaroon ng fans’ day si Ate Vi with the Vilmanians sa movie niyang Everything About Her.

Pero ang ginanap na fans day eh walang kinalaman sa pagkakaroon ni Ate Vi ng festival movie na When I Met You In Tokyo.

Nakaplano na talaga ito dahil miss na miss ko kayo. Nagkataon lang na may festival movie tayo kaya nangyari ito. Just the same, isang pasasalamat ko rin ito sa inyong lahat na patuloy na nagmamahal at sumusuprorta sa akin!” pahayag ni Ate Vi sa lahat.

Puno ang malaking ballroom ng Tramway resto at bumaha ng food para sa lahat ng fans at mga bisita.

Nagkaroon din ng group presentation, raffle, at pictorial si Ate Vi with her fans kasama ang co-stars niya sa When I Met You In Tokyo na sina Christopher de Leon, Lyn Cruz, John Gabriel at producers ng movie at production head na si Redgie Acuna-Magno.

Salamat Vilmanians at kay Jojo Lim na prexy ng VSSI sa invitation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …