Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine iniuugnay sa isang gambling lord

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANANAHIMIK si Sunshine Cruz sa kanyang buhay, na puro trabaho at ang kanyang mga anak na lamang ang pinagbubuhusan ng panahon ngayon, tapos may mga hindi pa magagandang tsismis na maririnig namin tungkol sa kanya. Ang tindi ng tsismis na ibinato sa amin ng isang kasamahan namin. Na si Sunshine raw sa ngayon ay girlfriend ng isang gambling lord.

Hindi kami naniniwala riyan dahil kilala namin iyang si Sunshine, hindi papatol iyan sa mga ganoong klase ng tao at sa ganoong sitwasyon. Napaka-straight niyang si Sunshine. Hindi mo masisilaw iyan sa pera. Marami na ang nagtangka riyan na hindi nakalusot. Sabihin mo pang isang mahusay na tao, manliligaw sa kanya at maaaring magustuhan niya, maniniwala pa kami.

Pero iyong ganoong tao, na ang reputasyon pa ay gambling lord, makaka-score siguro siya at pag-aagawan pa siya sa isang pamilya ng mga female star na kilala namin, pero kay Sunshine malabo siya.

Hindi gagawa ng ganoon si Sunshine, sa mga anak lang niya mahihiya iyan kung gagawa siya ng ganoon, at sa angkan nila ay walang ganoon.

Siguro nga wala na lang silang maipanira kay Sunshine kaya nagkakalat sila ng ganyan, at isa lang naman ang maaaring pagmulan ng ganyang paninira laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …