Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Fans ni Kathryn apektado sa Daniel-Andrea: ilang beses ka na bang dinaya niyan?”

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang concerned netizen na siyang naglabas at nagpadala ng open letter kay Kathryn Bernardo, na nagkuwento kung ano ang sinasabing “lihim na pagtatagpo” nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Sa tono ng kanyang salita, galit siya kay Daniel dahil diniretso pa niya si Kathryn, “Ilang beses ka na bang dinaya niyan?”

Mukhang apektado rin naman ang KathNiel dahil sa nasabing post, kaya sinita na rin nila si Daniel na nangako naman sa kanilang “huwag kayong mag-alala. Ako ang bahala riyan.” Tama rin naman si Daniel, siya nga ang nakagawa ng atraso eh, kaya siya dapat ang bahalang umayos sa problema.

Mukhang tinablan din si Kathryn sa kuwento, kaya nga niya in-unfollow si Andrea na ibig sabihin ay, “hindi ko pala kaibigan ito.” Kasunod niyon, si Andrea ay in-unfollow din ng mga ibang kaibigan ni Kathryn, na mukhang ang ibig sabihin ay “hindi namin nababagay na kaibiganin ito.”

Ito kasi ang kuwento, umano nagtungo sa condo ni Andrea si Daniel isang gabi, uminom ng alak, siguro ay nalasing at doon na nakatulog. Hindi naman sinabing nang dumating si Daniel ay may dala na siyang alak. Samakatuwid sino ang nagbigay ng alak? Nangyayari naman talaga ang ganoon, at kadalasan kaysa mag-drive ka ng lasing na delikado naman, doon ka na nakakatulog kung saan ka uminom.

Maliwanag namang ganoon lang ang kuwento, nalasing, nakatulog at nang mahimasmasan ay umuwi na rin ng kanyang bahay. Walang sinabing nalasing at nagmi-milagro. Pero this time ang matindi, sinasabi ng concerned netizen na ang source niya ay isang kaibigan ni Andrea na napagkuwentuhan mismo niyon ang nangyari. Hindi kaya si Andrea rin ang source ni Ogie Diaz?

Ngayon, ano ang gusto niyang patunayan nang magkuwento siya ng ganoon? 

Masasabi ba niyang ok lang na nag-split sila ng dati niyang boyfriend na si Ricci Rivero, naka-jackpot naman siya kay Daniel?

Bago niya sabihin iyon, may “resibo” ba siya? 

Iyang resibong iyan noong una ay hindi namin maintindihan, hanggang sa may isang gay movie writer ang nagpaliwanag sa amin. Minsan daw kasi ang mga bakla ay may nakaka-date na mga starlet o personalities pero siyempre ang mga iyon ay magde-deny na pumatol sila sa bading. 

Kaya ang mga bading wise na ngayon, “kumukuha ng resibo.” Iyon pala ay mga picture o video ng mga lalaking nakukuha nila bilang katunayan na may nangyari nga sa kanila kung sakali man at mag-deny iyon. Iyon pala ang ibig sabihin niyong nagkuwento sa amin na isang male starlet daw sa isang gay serye ang may katakot-takot na resibong hawak ng isang bading, kaya huwag nang magmalinis pa.

Kung sakali, may mailalabas bang resibo si Andrea, na may nangyari rin sa kanila ni Daniel? Kung mayroon hindi naman kami magtataka, lalaki iyan eh, kung may nakahain na nga ba riyan tapos ay nakainom pa? Pero kailangan may resibo para mapatunayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …