I-FLEX
ni Jun Nardo
MAS marami pa raw eksena ang co-stars ng isang series kaysa kanya.
Kaya naman ‘yung mga fan niya eh nagmamaktol sa isang chat group na kinabinilangan nila.
Pero lingid sa kaalaman ng fans, limitado raw talaga ang exposures ni aktres. Kasi naman, ‘pag dinadalhan siya ng call slip sa taping, bukod sa oras ng call time, dapat daw eh nakalagay din ang sequences na kukunan sa kanya.
Hindi rin daw siya puwede ng puyatang taping dahil gusto niyang mapanatili ang freshness niya sa bawat eksena at hindi haggard, huh!
Eh pinagbibigyan siya ng produksiyon dahil sa takot na baka hindi tapusin ang series ng maayos, huh.