MATABIL
ni John Fontanilla
SA sobrang pagsisikapat pag-iipon, malapit nang matapos ni Ryza Cenon ang dream house na ipinatatayo niya.
Masayang ipinost ni Ryza sa kanyang Instagram ang mga larawan ng ipinatatayong bahay. Halos 80 percent na ang nagagawa at kaunti na lang puwede nang matirahan kasama ang kanyang anak at asawang si Miguel Antonio Cruz.
Seyni Ryza, “Looking forward to spending the holidays in our very own home. Malapit na malapit na.”
November 2022 simulan nina Ryza at Miguel ang pagpapagawa ng bahay at ngayon nga ay isang taon na rin ang nakalipas at matatapos na ang pinapangarap nilang bahay.