MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Phoebe Walker dahil nakasama siya sa cast ng pelikulang Penduko na tinatampukan ni Matteo Guidicelli at official entry ng Viva Films sa 2023 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25. Idinirehe ito ni Jason Paul Laxamana.
Excited na si Phoebe sa promotion ng Penduko at muling pagsakay sa karosa.
Nag-cancel nga ito ng activities ngayong darating na Kapaskuhan para makapag- concentrate sa promotion ng kanilang pelikula.
Pagbabalik-tanaw ni Phoebe, 2016 pa ang last entry niya sa MMFF (Seklusyon) na nanalo siya ng best supporting actress. Pagkatapos nito, nagkasunod-sunod na ang suwerteng dumating sa kanyang career.
Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang role sa Penduko, “Sa ‘Penduko’ ako si Wendy, recruiter ng Hatinggabi na makapapansin kay Pedro sa real world. Ako ang magyayaya at magdadala kay Pedro sa mundo ng mga may-galing.”