Sunday , March 16 2025

Interpelasyon ipinatitigil
PRA chief kinastigo sa ‘bad manners’ at ‘pagdikta’ sa mga senador

PINUNA ng ilang senador si Philippine Retirement Authority (PRA) chief Cyntia Lagdameo Carrion dahil sa walang tigil na pagte-text sa mga senador para hilingin na gawing prayoridad ang deliberasyon sa panukalang 2024 budget ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, walang kahit sino ang may karapatang sabihan sila para tumigil sa pagsasalita dahil tungkulin at trabaho nila na gampanan ang mandato sa senado, kaya walang karapatan si Carrion na utusan o diktahan sila kung ano ang kanilang gagawin.

Ibinunyag ni Estrada, paulit-ulit silang tinitext ni Carrion at iba pang senador kabilang sina Senate President Migz Zubiri, Senators Risa Hontiveros, at Cynthia Villar para sabihing itigil na ang interpelasyon at tapusin na ang deliberasyon sa budget ng iba pang departmento para sumalang na ang DOT.

Dahil dito, nagbanta ang senador na ipapagpaliban o babawasan ang budget ng DOT dahil sa hindi magandang asal ni Carrion.

Ang PRA ay attached agency ng DOT.

Ayon kay Hontiveros, walang sinoman ang may ‘sense of entitlement’ pagdating sa budget ng mga ahensiya ng gobyerno at walang sinoman ang may karapatan para pahintuin sila.

Humingi ng paumanhin si Tourism Secretary Christina Frasco at sinabing lumapit din si Carrion sa kanya at tinanong siya kung bakit hindi ipinaprayoridad ang budget ng DOT sa budget deliberations.

Nangako si Frasco na iiimbestigahan nila ang naging aksiyon ni Carrion. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …