Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez
Teejay Marquez

Teejay pasok na sa mainstream

HATAWAN
ni Ed de Leon

HAPPY ngayon si Teejay Marquez dahil kahit paano may serye siyang ginagawa sa tv, at kahit paano nakapasok siya sa main stream work ng industriya. Ang nagawa kasi niyang mga pelikula simula nang magbalik siya sa PIlipinas mula sa isang matagumpay na career sa Indonesia, puro mga pelikulang indie.

Dahil wala nga siyang nakuhang masyadong break noong una sa Pilipinas, kaya siya nagbakasakali sa Indonesia na kung saan naman siya sumikat ng husto. Dahil sa kanyang naging kasikatan doon, maraming producers ang kumumbinsi sa kanyang  magbalik sa PIlipinas. Kaso nang bumalik siya sa Pilipinas, nasabak naman siya sa mga pelikulang indie lang, inabot din kasi siya ng pandemic. Mabuti at nakuha rin siya para sa isang internet BL series na kasama si Jerome Ponce, nag-click naman iyon sa audience at mas napansin siya, pero may mga pelikula siyang tapos na hindi naman maipalabas sa mga sinehan.

Maganda rin naman ang nangyari dahil ngayon may isa siyang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Kahit na hindi siya ang bida talaga sa pelikula, iyong makasama siya sa isang MMFFmovie ay ok na.

Pero may isa pang bagong desisyon si Teejay.  Naisip niyang nasa tamang edad na rin naman siya at sa tingin niya ay handa na siya sa mga mas matured roles.

Kaya payag ako sa mga mas daring na roles ngayon. Kaya nga maski sa mga sexy pictorial ok naman ako sa ngayon,”sabi ni Teejay at mukha ngang totoo dahil lately ay may mga lumalabas na mga mas daring at sexy pictorial niya na mabilis na naging viral sa internet.

Ok na sa akin iyong ganoon, at least 

 May scandal. Hindi naman ako gagawa ng masyadong bastos na pagsisisihan ko rin pagdating ng araw,” sabi pa ni Teejay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …